Pwede kang bumili ng mga regalo at property para sa mga chip at gold coin. Hindi nakakaimpluwensya ang property sa gameplay, ngunit isa itong pahiwatig ng iyong tagumpay sa game. Para bumili ng property, ipasok ang iyong profile, i-tap ang ""Property"" tab at gamitin ang menu ng pagbili. Maaari kang magbigay ng property sa mga kaibigan o player na gusto mo. Ang property na nabili mo ay maaaring ibenta gamit ang kaukulang menu item sa iyong profile. Gayunpaman, isaisip na sa ganitong kaso ay 10% lang ng halaga ang makukuha mo. Ang naregalong property ay hindi mabebenta, madi-delete lang. Kung kokolektahin mo ang lahat ng property sa isang kategorya, makakakuha ka ng ilang luxury property na hindi mabibili.
Hindi nakakaapekto sa gameplay ang mga regalo, ngunit pinapakita ang mood o ugali mo sa isa pang player. Kapag nakaupo sa isang game table, pindutin ang ""Regalo"" na button kasunod na iyong avatat o avatar ng player na gusto mong padalhan ng regalo, at piliin kung ano ang gusto mong ipadala. Ipapakita ang regalo kasunod ng avatar ng player. Tandaan na lahat ng mga regalo, kung ihahambing sa property, ay nawawala paglipas ng panahon. Nagtatagal ang mga ito sa duration ng game sa table o sa loob ng ilang araw (halimbawa, mga VIP na regalo para sa gold).
0 Mga Komento